Su questa piattaforma puoi prenotare o fare la tua donazione per accedere alle iniziative del FAI. Con la tua partecipazione ci aiuti concretamente a realizzare la nostra missione di tutela e valorizzazione del patrimonio italiano e arte e natura. Per questo ti ringraziamo augurandoci che il tuo tempo insieme al FAI sia un tempo sempre speso bene.
Sasamahan ka ng grupo ng FAI Ponte tra Culture ng Roma sa pagtuklas sa isa sa mga pinakamahalaga at kumakatawang palasyo sa Roma: ang Quirinale.
Maglalakbay ka sa panahon at malalaman mo ang kasaysayan ng gusaling ito, mula noong itinayo ito, hanggang ngayon. Dati itong tirahan ng mga Papa at ng mga hari. Sa kasalukuyan, dito nanunungkulan ang Pangulo ng Republika ng Italya— tahanan ng lahat ng mga Italyano.
Ang ating pagbisita ay magsisimula sa pagtawid sa Looban ng Karangalan at tutungo tayo sa mga silid na nakatuon sa mga Savoia, sa Konstitusyon, at sa mga Pangulo ng Republika. Aakyatin natin ang Hagdanan ng Karangalan at bibisitahin ang Silid ng mga Corazzieri, na may mga nakamamanghang palamuting naglalarawan sa mga embahadang dumaan dito at papasukin din natin ang Pauline Chapel.
Makikita natin ang mga silid na bumubuo sa Gallery ni Alexandre VII (ang Dilaw na Silid, Silid ni Augusto, at Silid ng mga Embahada). Dadaanan din natin ang Silid ni Hercules at ang Silid ng mga Cabinets. Ang ating pagbisita ay magtatapos sa pagbaba sa napakagandang Hagdan ng Mascarino.
Ang pagbisita ay tatagal nang mga isang oras at labinlimang minuto.
Halaga ng tiket: 5 euro
Pasukan: Via del Quirinale, kanto ng Via della Consulta. Ore 12.00.
Attenzione: non è richiesta prenotazione per bambini d’età inferiore ai 6 anni